malungkuting batuta



Oct 26, 2005
bagong bihis (?)




pinatay ko na si Britney Spears,
saka ko pinakawalan ang Incubus mula sa baul upang umatungal sa kanyang libing.
 
 
ang mga Mulawin at si Darna, kahit napamahal na sa akin,
   hinayaan ko na ring makalipad;
kailangan ko na rin kasing subaybayan ang "teleserye ng totoong buhay".
 
 
ang dingding ng aking kuwarto, pininturahan ko ng itim;
masakit na sa mata ang dati nitong kulay na seafoam green (at itim
   naman kasi talaga ang paborito kong kulay).
 
 
long hair, long beard, long face - yan ang porma ko ngayon;
at marahil, pag nagkita tayo, hahanapin mo ang naka-long sleeves
   na ako at sasabihing:
 
 
"Nagbago ka na, nagbagong bihis ka na."
sasagot ako: "Hindi ako nagbagong bihis. Hinubad lamang kita."
 
 

                                        15 sept 05
                                        5.00 pm
                                        thursday




*artwork by bionic7; from http://www.deviantart.com/deviation/15240141/

Posted at 02:51 am by mr_batuta

Anino
January 9, 2008   01:27 AM PST
 
Ang galing!Nakakaasar naman.
Name
May 31, 2006   08:32 PM PDT
 
Ang ganda. Loaded with wisdom.
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry

ang kalungkutan ay isang bulate. sumusulpot sa tag-ulan ng iyong buhay,at sa tag-araw, akala mo'y wala. yun pala'y nagtatago lang sa ilalim ng lupa... bumabaon... lumalalim...
   

<< October 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed